Resources



Pagbasa sa Pandemya

(ni: Ria Aquino)

Teacher I

            Hindi naging madali sa bawat isa ang kinahaharap na sitwasyon ng mundo ngayon. Lahat ay naninibago. Lahat ay nangangapa, lalo na ang mga mag-aaral, at mga guro.

            Sa kabila ng pandemya, tuloy parin ang paghahatid ng kalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral. Subalit, hindi lingid sa kaalaman ng lahat nab ago pa magpandemya, mayroon ng mga pagsubok na kinahaharap ang bawat paaralan. Isa na rito ay ang bilang ng mga mag-aaral na hindi makabasa o kaya'y mabagal pa.

            Paano kaya ito sinosolusyunan ng bawat paaralan gayong bawal lumabas ang mga bata, bawal pumunta sa paaralan, at may ilang batang walang gumagabay upang sila ay maturuan?

            Naglunsad ang Cabog-Cabog Elementary School ng mga programa upang matugunan ang pagsubok na ito kaugnay ng pagbasa. Ito ay ang Project PAG-ASA (PAmilya KaaGapay sa PagbASA) at Project EARN (Eagerness in Reading in the New Normal). Sa mga programang ito, binigyan ng mga guro ng babasahin ang kanilang mga mag-aaral na maaari nilang basahin kapag sila ay may bakanteng oras. Hiningi rin ng paaralan ang suporta ng mga magulang at pamilya ng mag-aaral upang magabayan ang mga bata. Layunin ng programa na magkaroon parin ng kawilihan sa pagbasa ang mga mag-aaral kahit na sila ay apektado rin ng pandemya. Nais rin ng paaralan na sa kabila ng hindi madalas na pagkikita ng guro at bata upang magsanay bumasa, ay mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na hirap at mabagal bumasa.

            Mayroon ding mga learning facilitators at mga kapitbahay na tumutulong magpabasa sa mga mag-aaral. Nagsasagawa rin ang mga guro ng online reading sessions at home visitation alinsunod sa mga patakaran na inilunsad ng IATF.

            Sa kabila ng hirap ng sitwasyon ngayon, umaasa ang mga guro na patuloy ang pag-aaral at pagsasanay bumasa ng mga mag-aaral. Marami man ang naidulot na hirap ng sitwasyon, marami parin ang dapat ipagpasalamat, kabilang na rito ang kakayahang bumasa, sa kabila ng pandemya.



Bagong Konsepto ng Brigada Eskwela 
Tugon  sa Pamdemya
Ni: Michelle Dee E. Manalo
Teacher III

         " Hindi pagpipinta. Hindi pagpupukpok, hindi paglilinis ang bagong normal na Brigada Eskwela 2020."
           Idinaos ng Cabog-Cabog Elementary Schooland online virtual kick- off ceremony noong June 01 na may bagong konsepto and Brigada Eskwela , kaiba sa mga kasanayan nang paghahanda  bago magbukas ang mga paaralan sa mga nagdaang taon.
           Ang Brigada Eskwela 2020 ay may temang " Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad ng Edukasyon para sa Kabataan"
at nagsimula noong Hunyo 1 at magtatapos sa Agosto 24.
          Ang edukasyon sa new normal ay hindi face to face ngunit nananatiling de kalidad ang edukasyon sa tulong ng Brigada Eskwela.Sa pamamagitan ng apat na klase ng suporta at donasyon tuloy ang bayanihan sa paaralan.
          Ang apat na klase ng donasyon at suporta , una ang COVID-19 prevention support kung saan maaaring mag donate ng mga thermal scanner, hand sanitizer, disinfectant, washable face mask, multi- vitamins at washing facility para masigurong ligtas sa virus ang mga guro , mag-aaral, non-teaching personnel, at iba pang mga taong magkakaroon ng transaksyon sa loob ng paaralan. Pangalawa, ang technology and media support tulad ng laptops, desktops, smartphones, tablets, flash drives, printers, at iba pang magagamit para sa online learning bago o luma man basta ito ay maayos pa. Ang iba pang maitutulong ay ang mga school supplies at learning materials na maaaring libro o kwentong mababasa na magiging inspirado ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa kabila ng pandemya.
         Hindi naman nabigo ang paaralan sa pakikiisa at pagtulong sa taunang programang ito sa kabila ng bagong konsepto nito, dumagsa din ng donasyon at suporta mula sa mga magulang, mga opisyales ng barangay Cabog-Cabog LGU at iba pang stakeholders.
        Nagkaroon din ng iba pang programa ang paaralan bilang suporta sa Brigada Eskwela tulad ng Brigada Pagbasa, Gulayan sa Tahanan, Barter para sa Brigada at mga gawain upang mabigyan pagpapahalaga ang mental health na kailangang palakasin sa panahon ng pandemya.
         Sa kasalukuyan ay paruloy pa rin ang pagtanggap at pagkatok ng Cabog-Cabog ES sa mga may bukas na puso sa pagkakaloob ng donasyon at suporta tungo sa kalidad na edukasyon sa new normal.

    

                     To Feed is to Fight!

                  By: Laila R. Jorda
                            Teacher I

      Victory entails a wealthy mind and a healthy body.

      Pandemic has transformed the entire system of providing education to students of all levels. From face to face interactive learning, pandemic gave birth to blended learning that made teachers change their teaching pedagogy.

      Despite all these changes to adapt, health is the most important matter that needs greater attention.

      To combat malnourishment and to decrease the possibility of health problems among students, School Feeding Programs (SFPs) are conducted on different schools. School feeding programs are designed to alleviate short-term hunger, improve children's nourishment and cognitive function, and transfer income to families. Several studies investigated the positive impact of SFPs on the nutritional, health, and educational outcomes of school-aged children in developing countries. This is another way of bringing a whole new level of progress in students life aside from focusing on their academic performance alone.

       Here in Cabog-Cabog Elementary School (CCES), a ten-week feeding program was conducted to bring much attention to student's health despite the Covid-19 pandemic. It started on February 5, 2021 until April 10, 2021 which was spearheaded by the feeding coordinator Ms. Laila R. Jorda.

       During the conduct of SFPs, safety protocols were observed to avoid sacrificing the health of everyone. Parents are the ones to get the nutricious food of students. To monitor the progress in students' Body Mass Index (BMI), parents are asked through a phone call. The program is such a success since students' BMI are now normal compared in the beginning of the SFPs.

       Everybody is developing deviancy in adapting to the new learning system which may cause health problems, specially to students. Cabog-Cabog Elementary School aims to give holistic development of its students by not just targetting academic excellence alone, but also by providing nourishment on other areas of development. The world itself is a tough battle ground to discourage learners and sacrifice their health, but with the help and through the programs done by teachers, parents, and educational allies, students will improve and will reach their maximum potentials.

        It is victorious to combat malnourishment!

                          
 

Ang Paglipad ng mga Learning Facilitator sa Mundo ng New Normal

(ni Arlene Chavez)

Teacher III

Nasaan na kaya si Darna? E si Captain Barbel kaya? Pati si Superman at Wonderwoman nawawala! Sa pagtuntong ko sa tarangkahan ng paaralan, nakakikilabot ang maririnig. Ang mga nakabibinging ingay ng mga kuliglig at hindi ingay ng mga batang humahagikhik. Hindi mga batang nagtatakbuhan ang masusulyan sa halip ay ang kawalan sa loob ng mga silid-aralan. Iba sa nakagawian, hindi ito ang normal, ito ang nakakapangambang “new normal”. Sino pa ang magiging bayani?

Sumisibol ang mga bayani sa panahong hindi inaasahan. Sa oras ng pangangailangan! Nagsimula ito sa pagdating ng nakakatakot na pandemya na naging dahilan upang magbago ang nakasanayang proseso ng edukasyon. Kaya naman bilang tugon sa limitadong kapasidad ng pag-aaral ng mga bata lalo’t higit ng mga mag-aaral na ang mga magulang ay walang kakayahang turuan ang kanilang mga anak, inilunsad ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang pagkakaroon ng “learning facilitator” na magiging katuwang ng mga guro sa distance learning. Ito ay batay sa DepEd memorandum na inilaabas noong Hulyo 21, 2020 ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) office na nagrerekomenda ng “learning facilitator” o “household partner” gaya  ng mga magulang, tagapangalaga, kapatid o mga kasapi ng komunidad na may kakayahang gabayan at suportahan ang pag-aaral ng bata sa tahanan.

Wala man tayong Superman o Wonderwoman, narito naman ang bersyon natin ng Fantastic Four. Bilang kabahagi ng adhikaing ito, nagkaroon ng mga “learning facilitators” bawat paaralan sa Lungsod ng Balanga kabilang ang Paaralang Elementarya ng Cabog-Cabog. Dito ay mapalad na naging katuwang ang mga kabataang may puso at dedikasyon din sa edukasyon na sina Roni Gail J. Duca, Benjim B. Ocay, Christine Joy J. Zarraga at Elyssa Mae R. Legario na kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor in Elementary Education sa Bataan Peninsula State University- Bagac Campus. Nagsimula ang kanilang paglalaan ng oras at kaalaman noong Nobyembre 2020 nang sila ay bigyan ng capacity-building program alinsunod din sa DepEd memo na inilabas.

Walang inuurungan, serbisyong totoo lamang. Naging makabuluhan ang pagpili sa kanila dahil sa kanilang kasipagan at dedikasyong ginagawa bilang learning facilitator. Ayon kay Duca hindi ito nakasasagabal sa kanilang pag-aaral bagkos ay nakatutulong upang masanay sila sa gawain ng isang guro.  “Tuwing may free time po kami, once a week pinupuntahan po namin yung mga bata. Nagpapabasa, nagpapasulat (mostly sa grade 1 po) at naga-assist po sa module nila, aniya.

Sa lahat ng mga sakripisyo at pagtitiyaga, may mga pagkakataon rin na dumadating ang mga balakid. Ilan sa mga naging suliraning kinaharap nila ay ang kakulangan ng panahon na makapagturo dahil maraming aktibdad at proyektong kailangang tapusin at oras na maaaring turuan ang mga batang naka-assign sa kanila. Dagdag pa nila “Isang malaking struggle rin po samin yung mga technique kung paano mas matututo magbasa yung mga bata, kasi hirap po talaga sila sa pagbasa kaya ginagawan po namin ng paraan kung paano sila mas matututo.”

Pero sa kabila ng mga balakid mananatili pa rin ang mga tagapagligtas na handang lumaban at magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. Sabi pa ni Duca, “Despite po sa mga problem and struggle na yan, okay lang po, masaya pa rin po kami na nagtuturo kasi gusto namin makatulong talaga. Pumayag po ako kaagad not knowing kung ano yung kakaharapin po. Nasa mindset ko na po kaagad na makakatulong sa mga bata kaya push na agad... Since yung mga kasama ko po at kaibigan e educ student, inaya ko po sila, kaya pumayag na rin sila kasi naniniwala po kami na makakatulong din po samin eto along the way habang nag-aaral kami bilang educ student.”

Oo, wala nga si Darna, Captain Barbel, Superman at Wonderwoman. Subalit sa muli kong pagtuntong sa tarangkahan ng paaralan, masaya akong makikinig sa awit ng mga kuliglig. Wala mang mga batang nagtatakbuhang masusulyan nariyan naman ang ngiti ng mga magulang na naghahatid ng mga modules at learning plans. Iba man sa nakagawian, ito man ang tinatawag na “new normal” mayroon namang bagong mukha ang mga bayani. Ang baging mukha ng liwanag at tagasagip ng naaapi – ang mga learning Faci!

                   

GPTA, RRGB –Riders Tandem sa Gulayan

Ni: Jessibel O. Jorda 

Teacher III

            Sa kabila ng pandemyang nararanasan ng ating bansa, nagsanib pwersa ang  Red Sun Rider Group ng Bataan (RRGB) at General Parent-Teacher Association (GPTA) Officers upang magbigay ng suporta sa Gulayan sa Paaralan Program (GPP) ng Cabog-Cabog Elementary School (CCES) noong Enero 31, 2021.

            Layunin ng aktibidad na ito na tulungan ang paaralan na muling linisin, taniman at pagandahin ang GPP sa pangunguna rin ni Head Teacher III Mrs. Melinda J. Nisay kasama ang mga GPP coordinators na sina Mrs. Jessibel O. Jorda at Ms. Arlene M. Chavez.

            Gayundin naging bahagi ng gawaing ito ang pagkakaloob sa CCES ng mga donasyong punla, pintura, walis at iba pa mula sa stakeholders upang higit pang paunlarin ang GPP.

           “Hamon man sa ating edukasyon ngayon ang pandemya, hindi nito mapipigilan ang mga guro, magulang, alumni, Brgy. Officials at iba pang tumutulong sa CCES upang mapaganda at mapabuti ang ating paaralan lalo na ang Gulayan,” saad ni GPTA President Anabelle Lopez.

          Ayon naman kay RRGB President Richard Landicho ang pagtulong sa paaralan ay isang magandang karanasan upang suklian ang mga kaalamang kanyang natutunan.

      “Masarap sa feeling ang pagpunta at pagbalik sa aking Alma Mater upang tumulong sa pagpapaganda ng paaralan. It’s about time naman na suklian namin ang paaralang aming pinagmulan at ang dahilan kung bakit kami ay may maayos na pamumuhay,” dagdag pa ni Landicho.



Brigada Pagbasa: Its Importance in the Learning Continuity Plan

By: Glena I. Gimarangan
Teacher III

         The COVID-19 Pandemic brings hindrances to any advocacy. The new normal set up has made so much adjustments to all teaching personnel all over the country. However, schools strengthen  Brigada Pagbasa in the Learning Continuity Plan (LCP), so techniques, methods and strategies on how to materialize the Reading Advocacy depend on what interventions may the school engaged.  The pandemic may be a burden, but remaining at home allows a child to spend more time reading. Reading will be interesting and enjoyable with adequate supervision from teachers and parents, along with proper intervention. Brigada Pagbasa, in its particular context, is a collaborative activity involving all stakeholders to assist a child in becoming a reader.

         Cabog- Cabog Elemetary School teachers are very much aware of Reading as an integral part of educating the child. It is prerequisite to the foundation of learning in school. Though, thorough examinations and assessments must be employed to totally measure the reading ability of the child, careful planning in managing and establishing  reading  activity throughout the school year calendar must be incorporated.

          CCES is influence by the researchers about Reading Ability of a child in school. As the study shows, lack of engagement in reading will lead to further problems.

         Below is an excerpt of one of  the passage in a research introduction.

         A poor reader is anyone who has difficulty or is not reading as well as other children of the same age. It can be detected in schools by regular testing. Many children can be ‘poor readers’ at an early age but could turn into good readers later on. In fact the vast majority of readers will be reading just fine by the age of 14 regardless of their reading performance up to that age {Carron, 2014}. However, if a student’s reading is poor for any length of time between the ages of 8 and 14, it would affect their self-confidence and education. The loss of confidence leads to a lack of engagement with reading leading to further problems.

           There are many causes of poor reading comprehension. Disinterest, struggling with decoding individual words, text is too difficult for a child's reading level, deficit in working memory, visual processing disorder, and limited vocabulary can cause poor reading comprehension. ( Silbert, 2014). When kids do not understand what they read, it affects their ability to succeed in school.It is important to get a poor reader back on track as fast and as early as possible so that other aspects of their education are not affected. When a child gets into difficulties with their reading it is important to change something about the way they are being taught. 

          The usual response to a reading deficit is the use of an ‘intervention’ which is a short term programme to bring readers back on track. Reading intervention provides students with an opportunity to increase reading, writing, test taking, and study skills at their instructional level.Visualization, or mental imagery, is one of the best reading intervention strategies {k5 chalkbox, 2019}. It is an excellent way of having students become more active in the reading process. Creating "movies in their minds" can dramatically increase comprehension. Reading short stories could improve not just their reading skills but also their imagination. Repeated readings is a valuable opportunity for the students to become good reader. Students who attend reading intervention are parts of  community of learners who have an opportunity to increase their skills to become strong and confident readers and writers. 

           CCES will not allow every single child not to engage in reading even in a midst of pandemic. There are many ways to make a child read. Through collaboration among learning facilitators, household partners and the teachers, the realization of the goal to make a child become a reader will be earned.






             





CCES PANTRY , TAGUMPAY

(ni: Elena S. Banzon )

Master Teacher II

                   Tagumpay na naisagawa ang simpleng school Pantry ng  mga guro sa Cabog-Cabog E.lementary School sa pangunguna ng kanilang pangulong –guro na s Gng.Melinda J. Nisay noong ika 20,ng Mayo kasabay ng ‘’submission and retrieval ng mga learning packets’’.

               Kabilang sa mga naipon sa isinagawang pantry ay ang apat na tray na itlog,mga noodle,bicuits, facemasks,ganundin ang libreng snacks para sa mga magulang na patuloy ang suporta sa  paaralan mula pa nuong buksan ang klase hanggang sa kasalukuyan.. Dahil sa kanila ay matagumpay na naihahatid at naibabalik ang mga learning packets ng mga mag-aaral tuwing Huwebes.

                Kasama din sa libreng nakuha ng mga magulang ay mga aklat para sa kanilang mga anak.

                Ang nasabing school pantry ay pinlano at pinagtulungan na maisakatuparan ng mga guro bilang pasasalamat at pagpapahalaga sa tulong at kabayanihan ng mga parent leaders ng paaralan bilang katuwang nila sa paghahatid ng mga modules sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang ikaanim na baitang.


REALIZATION OF CONTINUOUS EDUCATION

By Eduardo F. Molina

Teacher III 

Despite the pandemic, our educational authorities, institutional managers and educators did not allow education to cease. Remarkably, they found ways for the learners’ continuous education using different alternative learning modalities.

How do we attain continuous education in our generation despite the pandemic? Here are the ways:

Employing the alternative delivery mode. Despite the current situation, the schools are now offering education to learners using the alternative delivery modalities. Without face-to-face learning, the teacher and learners would still communicate and pursue the teaching-learning process through online teaching, modular system, blended learning and the like.

Pursuing realization of the teaching-learning process. This means that despite of the pandemic around, the teacher and students are continuing education in the most feasible means that they can. The teacher still acts as the facilitator and the students as proactive learners.

Leading the learners in independent learning. In times when face-to-face learning is impossible, train the students to have an independent learning.  Through this educational set-up, they do things at their own wherein their initiative to study is sharpened. Thus, education among learners continues.

Seeking for cooperation of the parents’ support. With the parents at the side of the learners, education is continuous. The parents stay with their children along the way as they study their lessons and meet competencies. With this, there is continuous education.

Looking for LGU support. The Local Government Units serve as the support systems of the schools, most especially during this time of pandemic. They provide the schools with the essential materials and resources needed in the education of the learners.  With the LGU education continues.

Utilizing the learning resources available. Through the learning resources provided by the education agency and by the Local Government Units, the education of learners is continuous.  With the help of these resources, the learners are able to receive quality education that they deserve.

Expanding knowledge through technology. The presence of technology is vital in the education of learners.  Technology provides the link between the teachers and learners for the lessons that may be transmitted electronically.

Realizing continuous education is possible through the above-given tenets.  Education must continue notwithstanding the situation that we are facing today due to COVID 19.

 


2 Mag-aaral ng CCES, Pasok sa BCSNHS! 

Ni: Karen M. Ortiz

Teacher III

       Determinasyon at tiyaga ang naging sandata ng dalawang mag-aaral ng Cabog-Cabog Elementary School upang mapabilang at makapag-aral sa mga piling mag-aaral ng Balanga City Science National High School noong Abril 21, 2021.

Hindi matatawaran ang ipinakitang galing ng dalawang mag-aaral sa CCES mula sa ika-6 na baitang nang sila ay makasama sa mga batang pinalad na makapasa sa entrance exam ng BCSNHS.

            Sa humigit kumulang na 400 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Bataan, 110 na mag-aaral ang pumasa sa nasabing entrance exam. Pinalad si Sydney Rein Lopez na makuha ang ika- 31.5 na spot at pang 62 naman si Keisha Nicole Pobre.

            Marami mang naging hadlang sa pagkuha nila ng pagsusulit tulad ng mabagal na internet connection at power interruption, hindi ito naging sagabal upang pagbutihin at makamit ang layunin na makapag-aral sa isang mahusay at kilalang paaralan ng agham sa Balanga City.

            “Sobrang saya ko po noong lumabas ang resulta ng exam kasi po nawalan po kami ng internet connection. Buti na lang po nandyan si Ma’am Ellen to rescue sa akin”, saad ni Lopez.

            Samantala, ayon kay Pobre naging mahirap ang pagsusulit para sa kanya dahilan upang hindi asahan ang pagkapasa.

            “Hindi ko po inaasahan ang pagkapasa ko sa entrance exam sapagkat sobrang hirap po ng lahat ng subject,” maluhang wika ni Pobre.


Literacy and Numeracy: Fundamental Basic Skills

By: Karen M. Ortiz
Teacher III

        Cabog- Cabog Elementary School is one of the community's avenues  for teaching the significance of reading and numeracy abilities at a young age. Consistent repetition of basic sight words and 4Fs drills would be highly useful in improving a child's ability to read and, as a result, make him or her a life achiever.

        Literacy and numeracy skills are essential for gaining access to any field since they are applied in many parts of our daily life. Workplace numeracy, literacy skills are utilized generally in collaboration. These needed abilities occur simultaneously and are required for any activity. CCES is guided by the idea that each child has a unique style of learning, and that consistent motivation from teachers and parents also plays an important role.

        Individuals must be literate in order to acquire logical thinking and reasoning techniques in their daily activities. Numeracy is required to solve issues and make sense of numbers, time, patterns, and forms in activities such as cooking, reading receipts, following directions, and even participating in sports.

        To maximize our potential and make a good contribution to society, we must all be numerate. In today's highly advanced world, numeracy abilities, particularly the ability to analyze data, are becoming increasingly important and highly valued by any sector in any organization. A lack of mathematical confidence and weak numeracy abilities are barriers to any task or work.

The capacity to acquire, apply, comprehend, and communicate mathematical knowledge and concepts is characterized as numeracy. To be numerate is to be able to utilize mathematics confidently and successfully in everyday situations.

        Literacy and numeracy provide people the essential abilities they need to succeed in life. Schools have plans and intervention  to enhance literacy and numeracy to help pupils live a fulfilling and happy life while also being an active participant as an engaged and well-informed citizen.

        CCES teachers included literacy and numeracy exercises into their daily drills prior to developing lessons. To get them used to it and make it a part of their daily routines. Learning is instilled in this manner.

 











File nameDescriptionSizeRev.TimeUser
SelectionFile type iconFile nameDescriptionSizeRevisionTimeUser
ċ

View
  Apr 30, 2021, 2:43 AM EDUARDO MOLINA
ċ

View
  Apr 30, 2021, 2:43 AM EDUARDO MOLINA
ċ

View
  Apr 30, 2021, 2:42 AM EDUARDO MOLINA
Ċ
View Download
  595k v. 1 May 6, 2021, 1:05 AM EDUARDO MOLINA
ĉ
View Download
  13k v. 1 Dec 12, 2013, 6:54 AM Jessibel Jorda
Ċ
View Download
  956k v. 1 May 6, 2021, 1:05 AM EDUARDO MOLINA
Ċ
View Download
  1097k v. 1 May 6, 2021, 1:05 AM EDUARDO MOLINA
Ċ
View Download
  630k v. 1 May 6, 2021, 1:05 AM EDUARDO MOLINA
Ċ
View Download
  836k v. 1 May 6, 2021, 1:05 AM EDUARDO MOLINA
Comments