Isinagawa ang Cluster SLAC on Enhanced SIP and SRC sa Cabog-Cabog Elementary School noong January 29, 2016 na nilahukan ng tatlong eskuwelahan sa upland. Ito ay ang Cabog-Cabog E/S, Tanato E/S at E. Bernabe E/S. Ang nasabing SLAC ay pinangunahan ng mga school heads ng nasabing tatlong eskuwelahan katuwang ang ang kani-kanilang SIP coordinators na dumalo sa SIP seminar bago pa man magkaroon ng SLAC. Ang nasabing SLAC ay naging mabunga at matagumpay. |