Announcements‎ > ‎Home‎ > ‎CCES NEWS‎ > ‎

CCES, Wagi sa DSPC

posted Feb 3, 2016, 5:13 PM by Jessibel Jorda

                Lima sa Campus Journalists ng Tinig ng Kabataan ang matagumpay na nag-uwi ng panalo mula sa nakaraang Division Schools Press Conference  noong October 1,2, at 4 na ginanap sa Balanga Elem. School na pinangunahan ng EPS 1 English na si Gng. Marlyn B. Gerio.

                 Nagwagi sa ibat ibang kategorya sina Kim Evangelista, unang pwesto sa Pagsulat ng Balita sa pagsasanay ni Gng Rose Andrea G. Bergonio, Frinze Dominic Zi Ruiz, unang pwesto sa Editorial Cartooning ( Filipino ) at Ghie Andrei Quinto, pangalawa sa Sportswriting ( Filipino) na parehong sumailalaim sa pagsasanay ni G. Eduardo F. Molina. Pasok din sa ikatlong pwesto si Rayne Renzo J. Barenque sa Pagsulat ng Editoryal sa pagsasanay ni Gng. Elena S. Banzon at Giane Feliz C. De Guzman sa Photojournalism ( English ) na sinanay ni Gng. Shierley B. Nohay.

                Apat sa kanila ang muling haharap sa Regional Schools  Press Conference ( RSPC) na nakatakda sa darating na Enero sa Baler, Aurora. Sa kasalukuyan, patuloy pa silang sumasailalim sa paghahanda sa nasabing kumpetisyon.

 

Comments