Announcements‎ > ‎Home‎ > ‎CCES NEWS‎ > ‎

CCES, Pangalawa sa NAT

posted Feb 2, 2016, 4:57 PM by Jessibel Jorda

            Pangalawa sa pinakamataas na marka ang Cabog- Cabog Elementary School sa National Achievement Test sa buong sangay ng City of Balanga.

Mula sa dating resulta na 88.39 noong nakaraang taon ay tumaas ito sa 90.65 na naging dahilan upang makapasok ito sa “top ten” sa buong City of Balanga.

Ang nasabing NAT ay taunang isinasagawa sa buong bansa upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral sa ika- anim na baitang.

           Samantala ang pag-angat ng CCES ay bunga ng “ Saturday Review” ng mga Grade VI sa patnubay ng kanilang mga guro.

           Resulta din ito ng patuloy na pagtutulungan ng mga taong bumubuo sa paaralan, sa pangunguna ng punung guro, mga guro at mga “stakeholders” na walang

 sawa sa pag- agapay sa paaralan lalo na sa pag- unlad ng mga mag-aaral.

 

Comments