The Principal‎ > ‎The Principal‎ > ‎CCES NEWS‎ > ‎

CCES Nanguna sa NAT

posted Dec 10, 2013, 8:12 PM by Jessibel Jorda

Nanguna ang CCES sa taunang National Achievement Test (NAT) ng mga bata sa ikaanim na baitang sa buong Sangay ng Balanga. Resulta ng pagsusulit ay 93.26 na naging dahilan ng pagpasok nito sa top 1.

Mula sa dating resulta na 83.43 noong nakaraang taon ay tumaas ng 9.83 porsyento.

Ang nasabing pag-angat ay bunga ng pagsisikap na matuto sa tulong ng mga guro.

Resulta din nito ng patuloy na pagtutulungan ng mga taong bumubuo sa paaralan, punongguro, mag-aaral at magulang na umaasa sa ikauunlad ng bawat mag-aaral.

Dahil dito, tumanggap ng “Certificate of Recognition” ang paaralan sa pamamagitan ng punongguro na si Gng. Violeta V. Zeller. Ang nasabing rekognisyon ay mula pa sa DepEd Region III.

Inaasahang ang susunod na eksaminasyon ay lalo pang pagbubutuhin ng mga mag-aaral ngayong taon.   

Comments