Announcements‎ > ‎Home‎ > ‎

CCES NEWS





Early Registration, sinimulan

posted Feb 24, 2016, 3:41 PM by Jessibel Jorda

         Sinimulan ang Early Registration ng Kinder, Grade 1, ALS, ABOT-ALAM at sa mga NAT Passers na interesadong
 mag- enrol sa Senior High School ( SHS) noong January 30, 2016 sa CCES.

            Bago pa man dumating ang petsa ng Early Registration, inimform na ng paaralan ang mga magulang tungkol sa
 ano ang dapat nilang ihanda upang masiguro na ang lahat ng batang edad 5 as of June 01, 2015, ay ma enrol sa kinder.

CCES Sportwriter, top 7 sa RSPC!!!

posted Feb 15, 2016, 6:01 PM by Jessibel Jorda

                Ginanap ang Regional Schools Press Conference noong Enero 4-7, sa 
   City of San Fernado, Pampanga na nilahukan ng apat na mag-aaral ng CCES mula sa 
   ibat-ibang kategorya.

                Ang apat na batang nakipagtunggali sa RSPC ay sina Rayne Renzo Barenque, 
   Ghie Andrei Quinto, Frinz Zi Ruiz, at Kim Evangelista.

                Mapalad na nasungkit ni Andrei Quinto, sportswriter, ang ika - pitong pwesto 
   sa RSPC.

Julia Herga, Champion sa Math Competition

posted Feb 4, 2016, 5:30 PM by Jessibel Jorda   [ updated Feb 4, 2016, 5:34 PM ]

            Mapalad na nakamit ni Julia Mikhaella A. Herga, Grade 4, ang pagiging CHAMPION sa 
    nakaraang Division Math Competition na ginanap sa Cupang Elementary School noong September 8, 2015.

            Siya ang naging representative ng dibisyon ng Balanga para sa Regional Mathematics Quest na ginanap
 Olongapo City noong October 16, 2015 na may temang, " Mathematics Drives Careers".

CCES, Wagi sa DSPC

posted Feb 3, 2016, 5:13 PM by Jessibel Jorda

                Lima sa Campus Journalists ng Tinig ng Kabataan ang matagumpay na nag-uwi ng panalo mula sa nakaraang Division Schools Press Conference  noong October 1,2, at 4 na ginanap sa Balanga Elem. School na pinangunahan ng EPS 1 English na si Gng. Marlyn B. Gerio.

                 Nagwagi sa ibat ibang kategorya sina Kim Evangelista, unang pwesto sa Pagsulat ng Balita sa pagsasanay ni Gng Rose Andrea G. Bergonio, Frinze Dominic Zi Ruiz, unang pwesto sa Editorial Cartooning ( Filipino ) at Ghie Andrei Quinto, pangalawa sa Sportswriting ( Filipino) na parehong sumailalaim sa pagsasanay ni G. Eduardo F. Molina. Pasok din sa ikatlong pwesto si Rayne Renzo J. Barenque sa Pagsulat ng Editoryal sa pagsasanay ni Gng. Elena S. Banzon at Giane Feliz C. De Guzman sa Photojournalism ( English ) na sinanay ni Gng. Shierley B. Nohay.

                Apat sa kanila ang muling haharap sa Regional Schools  Press Conference ( RSPC) na nakatakda sa darating na Enero sa Baler, Aurora. Sa kasalukuyan, patuloy pa silang sumasailalim sa paghahanda sa nasabing kumpetisyon.

 

Sa Science Festival,Panalo din!

posted Feb 3, 2016, 5:06 PM by Jessibel Jorda

Nag-uwi ng panalo ang mga “Science Clubbers” na lumahok sa Division Science Festival noong October 21 sa Cupang Elementary School.

             Nagkamit ng ikalawang pwesto sa Science Quiz V si Rayne Renzo J. Barenque sa patnubay ng teacher- coach na si Gng. Glena I. Gimarangan, Frinze Zi Ruiz, ikalawang pwesto sa Science Art V na ginabayan ni gng. Rose Andrea G. Bergonio, Aira Bartolome, ikatlong pwesto din sa Sci Art IV sa ilalim ng patnubay ni G. Eduardo Molina. Pasok din sa ikaapat na pwesto si Gregorio Jr. Zarraga sa Sci Quiz VI sa patnubay ng gurong tagasanay na si Gng. Jennifer M. Canta.Ang mga mag-aaral na nagwagi sa kumpetisyon ay tumanggap ng Sertipiko ng pagkilala at ganun din ang kanilang mga gurong tagasanay.Ang kumpetisyon ay pinangunahan ng Education Supervisor sa Science na si G. Salvador Isip.

 

                

        

CCES, Pangalawa sa NAT

posted Feb 2, 2016, 4:57 PM by Jessibel Jorda

            Pangalawa sa pinakamataas na marka ang Cabog- Cabog Elementary School sa National Achievement Test sa buong sangay ng City of Balanga.

Mula sa dating resulta na 88.39 noong nakaraang taon ay tumaas ito sa 90.65 na naging dahilan upang makapasok ito sa “top ten” sa buong City of Balanga.

Ang nasabing NAT ay taunang isinasagawa sa buong bansa upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral sa ika- anim na baitang.

           Samantala ang pag-angat ng CCES ay bunga ng “ Saturday Review” ng mga Grade VI sa patnubay ng kanilang mga guro.

           Resulta din ito ng patuloy na pagtutulungan ng mga taong bumubuo sa paaralan, sa pangunguna ng punung guro, mga guro at mga “stakeholders” na walang

 sawa sa pag- agapay sa paaralan lalo na sa pag- unlad ng mga mag-aaral.

 

SLAC on Enhanced SIP and SRC

posted Jan 31, 2016, 11:31 PM by Jessibel Jorda   [ updated Jan 31, 2016, 11:33 PM ]

                          Isinagawa ang Cluster SLAC on Enhanced SIP and SRC sa Cabog-Cabog Elementary School 
              noong January 29, 2016 na nilahukan ng tatlong eskuwelahan sa upland. Ito ay ang Cabog-Cabog E/S, Tanato E/S
              at E. Bernabe E/S.
                          Ang nasabing SLAC ay pinangunahan ng mga school heads ng nasabing tatlong eskuwelahan katuwang ang 
               ang kani-kanilang SIP coordinators na dumalo sa SIP seminar bago pa man magkaroon ng SLAC.
                           Ang nasabing SLAC ay naging mabunga at matagumpay.

Bayanihan sa Paaralan

posted Dec 10, 2013, 8:40 PM by Jessibel Jorda

Muling nabuhay ang diwa ng bayanihan sa Cabog-Cabog Elementary School noong Mayo 20-24. Sa unang araw ng ito’y inilunsad sama samang dumalo ang mga guro, mga opisyales ng GPTA, Sangguniang Barangay, mga magulang at mag-aaral.

            Pinatunayan lang ng mga magulang ang kanilang suporta sa paaralan upang mapaunlad nito lalo ‘t sa kapakanan ng mga mag-aaral.

            Dahil ditto, buong lubos ang pasasalamat ng punongguro, Gng. Violeta V. Zeller dahil sa matagumpay na nasimulan ang klase ng maayos at malinis na ang mga silid- aralan at buong paligid ng paaralan.

CCES Nanguna sa NAT

posted Dec 10, 2013, 8:12 PM by Jessibel Jorda

Nanguna ang CCES sa taunang National Achievement Test (NAT) ng mga bata sa ikaanim na baitang sa buong Sangay ng Balanga. Resulta ng pagsusulit ay 93.26 na naging dahilan ng pagpasok nito sa top 1.

Mula sa dating resulta na 83.43 noong nakaraang taon ay tumaas ng 9.83 porsyento.

Ang nasabing pag-angat ay bunga ng pagsisikap na matuto sa tulong ng mga guro.

Resulta din nito ng patuloy na pagtutulungan ng mga taong bumubuo sa paaralan, punongguro, mag-aaral at magulang na umaasa sa ikauunlad ng bawat mag-aaral.

Dahil dito, tumanggap ng “Certificate of Recognition” ang paaralan sa pamamagitan ng punongguro na si Gng. Violeta V. Zeller. Ang nasabing rekognisyon ay mula pa sa DepEd Region III.

Inaasahang ang susunod na eksaminasyon ay lalo pang pagbubutuhin ng mga mag-aaral ngayong taon.   

OUTSTANDING TEACHERS AWARDEE 2013

posted Nov 26, 2013, 11:38 PM by Jessibel Jorda

Outstanding Teachers: (SCHOOL LEVEL)

Teacher I - MS. ROSE ANDREA M. GARCIA

Teacher II - MRS. GLENA I. GIMARANGAN

Teacher III- MRS. JESSIBEL O. JORDA

Master Teacher - MRS. ELENA S. BANZON

(DIVISION LEVEL)

Outstanding Teacher I - 

MS. ROSE ANDREA M. GARCIA



1-10 of 14