Hindi naging madali sa bawat isa ang
kinahaharap na sitwasyon ng mundo ngayon. Lahat ay naninibago. Lahat ay
nangangapa, lalo na ang mga mag-aaral, at mga guro.
Sa kabila ng pandemya, tuloy parin
ang paghahatid ng kalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral. Subalit, hindi
lingid sa kaalaman ng lahat nab ago pa magpandemya, mayroon ng mga pagsubok na
kinahaharap ang bawat paaralan. Isa na rito ay ang bilang ng mga mag-aaral na
hindi makabasa o kaya'y mabagal pa.
Paano kaya ito sinosolusyunan ng
bawat paaralan gayong bawal lumabas ang mga bata, bawal pumunta sa paaralan, at
may ilang batang walang gumagabay upang sila ay maturuan?
Naglunsad ang Cabog-Cabog Elementary
School ng mga programa upang matugunan ang pagsubok na ito kaugnay ng pagbasa.
Ito ay ang Project PAG-ASA (PAmilya KaaGapay sa PagbASA) at Project EARN
(Eagerness in Reading in the New Normal). Sa mga programang ito, binigyan ng
mga guro ng babasahin ang kanilang mga mag-aaral na maaari nilang basahin kapag
sila ay may bakanteng oras. Hiningi rin ng paaralan ang suporta ng mga magulang
at pamilya ng mag-aaral upang magabayan ang mga bata. Layunin ng programa na
magkaroon parin ng kawilihan sa pagbasa ang mga mag-aaral kahit na sila ay
apektado rin ng pandemya. Nais rin ng paaralan na sa kabila ng hindi madalas na
pagkikita ng guro at bata upang magsanay bumasa, ay mabawasan ang bilang ng mga
mag-aaral na hirap at mabagal bumasa.
Mayroon ding mga learning
facilitators at mga kapitbahay na tumutulong magpabasa sa mga mag-aaral.
Nagsasagawa rin ang mga guro ng online reading sessions at home visitation
alinsunod sa mga patakaran na inilunsad ng IATF.
Sa kabila ng hirap ng sitwasyon
ngayon, umaasa ang mga guro na patuloy ang pag-aaral at pagsasanay bumasa ng
mga mag-aaral. Marami man ang naidulot na hirap ng sitwasyon, marami parin ang
dapat ipagpasalamat, kabilang na rito ang kakayahang bumasa, sa kabila ng
pandemya.
Bagong Konsepto ng Brigada Eskwela
Tugon sa Pamdemya
Ni: Michelle Dee E. Manalo
Teacher III
" Hindi pagpipinta. Hindi pagpupukpok, hindi paglilinis ang bagong normal na Brigada Eskwela 2020."
Idinaos ng Cabog-Cabog Elementary Schooland online virtual kick- off ceremony noong June 01 na may bagong konsepto and Brigada Eskwela , kaiba sa mga kasanayan nang paghahanda bago magbukas ang mga paaralan sa mga nagdaang taon.
Ang Brigada Eskwela 2020 ay may temang " Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad ng Edukasyon para sa Kabataan"
at nagsimula noong Hunyo 1 at magtatapos sa Agosto 24.
Ang edukasyon sa new normal ay hindi face to face ngunit nananatiling de kalidad ang edukasyon sa tulong ng Brigada Eskwela.Sa pamamagitan ng apat na klase ng suporta at donasyon tuloy ang bayanihan sa paaralan.
Ang apat na klase ng donasyon at suporta , una ang COVID-19 prevention support kung saan maaaring mag donate ng mga thermal scanner, hand sanitizer, disinfectant, washable face mask, multi- vitamins at washing facility para masigurong ligtas sa virus ang mga guro , mag-aaral, non-teaching personnel, at iba pang mga taong magkakaroon ng transaksyon sa loob ng paaralan. Pangalawa, ang technology and media support tulad ng laptops, desktops, smartphones, tablets, flash drives, printers, at iba pang magagamit para sa online learning bago o luma man basta ito ay maayos pa. Ang iba pang maitutulong ay ang mga school supplies at learning materials na maaaring libro o kwentong mababasa na magiging inspirado ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa kabila ng pandemya.
Hindi naman nabigo ang paaralan sa pakikiisa at pagtulong sa taunang programang ito sa kabila ng bagong konsepto nito, dumagsa din ng donasyon at suporta mula sa mga magulang, mga opisyales ng barangay Cabog-Cabog LGU at iba pang stakeholders.
Nagkaroon din ng iba pang programa ang paaralan bilang suporta sa Brigada Eskwela tulad ng Brigada Pagbasa, Gulayan sa Tahanan, Barter para sa Brigada at mga gawain upang mabigyan pagpapahalaga ang mental health na kailangang palakasin sa panahon ng pandemya.
Sa kasalukuyan ay paruloy pa rin ang pagtanggap at pagkatok ng Cabog-Cabog ES sa mga may bukas na puso sa pagkakaloob ng donasyon at suporta tungo sa kalidad na edukasyon sa new normal.
To Feed is to Fight!
By: Laila R. Jorda
Teacher I
Victory entails a wealthy mind and a healthy body.
Pandemic has transformed the entire system of providing education to
students of all levels. From face to face interactive learning, pandemic gave
birth to blended learning that made teachers change their teaching pedagogy.
Despite all these changes to adapt, health is the most important matter
that needs greater attention.
To
combat malnourishment and to decrease the possibility of health problems among
students, School Feeding Programs (SFPs) are conducted on different schools.
School feeding programs are designed to alleviate short-term hunger, improve
children's nourishment and cognitive function, and transfer income to families.
Several studies investigated the positive impact of SFPs on the nutritional,
health, and educational outcomes of school-aged children in developing
countries. This is another way of bringing a whole new level of progress in
students life aside from focusing on their academic performance alone.
Here in Cabog-Cabog Elementary School (CCES), a ten-week feeding program
was conducted to bring much attention to student's health despite the Covid-19
pandemic. It started on February 5, 2021 until April 10, 2021 which was
spearheaded by the feeding coordinator Ms. Laila R. Jorda.
During the conduct of SFPs, safety protocols were observed to avoid
sacrificing the health of everyone. Parents are the ones to get the nutricious
food of students. To monitor the progress in students' Body Mass Index (BMI),
parents are asked through a phone call. The program is such a success since
students' BMI are now normal compared in the beginning of the SFPs.
Everybody is developing deviancy in adapting to the new learning system
which may cause health problems, specially to students. Cabog-Cabog Elementary
School aims to give holistic development of its students by not just targetting
academic excellence alone, but also by providing nourishment on other areas of
development. The world itself is a tough battle ground to discourage learners
and sacrifice their health, but with the help and through the programs done by
teachers, parents, and educational allies, students will improve and will reach
their maximum potentials.
It
is victorious to combat malnourishment!
Blended Learning,Effective ba sa Kindergarten?
Ni: Mharycriz F. Molina
Teacher I
Ang taong panuruan 2020-2021 ay naging isang
napakalaking hamon para sa mga guro, mag-aaral at maging sa mga magulang.
Maraming mga tanong ang nabuo sa
kanilang isipan at isa na dito ay kung paano mapatuto ang kanilang mga anak.Subalit, ang Department of Education (DepEd) ay
nanatiling matatag sa kanilang desisyon na “Education continues” sa kabila ng
Pandemic.
Dahil dito, inilunsad ang blended learning kung saan
walang face to face at sa bahay lang muna ang pag-aaral. Modular at online learning ay mga
paraan upang karunungan ay madagdagan sa gabay ng kanilang magulang o iba pang kasama sa bahay.
May mga pagkakataon na mahirap
unawain ang mga lesson sa activity sheet at performance task na dapat
gawin. Kaya naman may online kumustahan
upang mga katanungan ay mabigyang kasagutan.
Ngunit
marami pa rin ang nabahala dahil ayaw sagutan ang activity sheet dahil hindi si ma’am ang kanilang nasa harapan at ilan sa kanila ay may
katanungan sa kanilang murang isipan
“Kailan ko ba makikita ang aking mga
kamag-aral?”
Sa pagdaan ng panahon, blended learning
ay unti unting nagagamay at nasasanay na sa araw-araw na hamon ng buhay sa
pag-aaral.Unti-unti sa pagsulat,pagkulay pagbilang at pagbasa’y nasasanay
kaya’t masasabing naging effective ang blended learning.
Isang malaking pasasalamat sa mga magulang dahil sa pagsubaybay, pakikipagtulungan sa mga guro upang maipagpatuloy ang edukasyon ng kanilang anak sa New Normal.
PARENT'S EXTENDED ROLE
By: Melinda J. Nisay
HT-III, Cabog-Cabog IS
The parents being the origin s of the schoolchildren really do a lot of responsibilities in order to earn for a living and ensure that the whole family is safe and protected. The tasks of parents became expanded due to the occurrence of the widespread pandemic. A parent's role is extended to being the child's facilitator in learning.
The parent facilitates learning when they see to it that the necessary materials for learning are ready. It is very essential that all the learning materials are available. The parent-facilitator is responsible in seeing that everything is good and accessible.
The parent also has to set a good learning environment for their children. It is very appealing on the part of the child if there is a separate area that is allotted for studying in the house. The study corner may be organized by the parent.
As a facilitator, the parent has to check if the children understand the teachers directions. When the child starts tracking the learning material, the parent should see to it that the child understands the instructions on what and how to do.
In times of difficulty, the parent should always ready to assist. There are times that difficult lessons are hard to bear and the child is discouraged to study. The parent--facilitator should always be ready to assist in order for the child to hurdle difficulties.
The parent has to check if the children are doing the right things in their lessons. It is better if the parent-facilitator sees that the child is on the right track and doing what is right and required to do.
Being a facilitator, a parent has to evaluate the outputs of the children. The parent may serve as critic for as child to improve his or her work in order to gain better outputs in school. The parent as a facilitator sees to it that all the accomplishments of the learners are properly submitted.
The parent-facilitator also communicates with the teachers regarding the progress and academic achievements of the children. It is a good practice if the parents are aware regarding the progress of the children in terms of education.
Though the extended role of parent is difficult but it is considered worthy for it is the key to the child's success!
Thank you CCIS parents!
Ang Paglipad ng mga Learning
Facilitator sa Mundo ng New Normal
Sumisibol ang
mga bayani sa panahong hindi inaasahan. Sa oras ng pangangailangan! Nagsimula
ito sa pagdating ng nakakatakot na pandemya na naging dahilan upang magbago ang
nakasanayang proseso ng edukasyon. Kaya naman bilang tugon sa limitadong
kapasidad ng pag-aaral ng mga bata lalo’t higit ng mga mag-aaral na ang mga
magulang ay walang kakayahang turuan ang kanilang mga anak, inilunsad ng
Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang pagkakaroon ng “learning facilitator” na
magiging katuwang ng mga guro sa distance learning. Ito ay batay sa
DepEd memorandum na inilaabas noong Hulyo 21, 2020 ng Bangsamoro Autonomous
Region in Muslim Mindanao (BARMM) office na nagrerekomenda ng “learning
facilitator” o “household partner” gaya
ng mga magulang, tagapangalaga, kapatid o mga kasapi ng komunidad na may
kakayahang gabayan at suportahan ang pag-aaral ng bata sa tahanan.
Wala man
tayong Superman o Wonderwoman, narito naman ang bersyon natin ng Fantastic
Four. Bilang kabahagi ng adhikaing ito, nagkaroon ng mga “learning
facilitators” bawat paaralan sa Lungsod ng Balanga kabilang ang Paaralang
Elementarya ng Cabog-Cabog. Dito ay mapalad na naging katuwang ang mga
kabataang may puso at dedikasyon din sa edukasyon na sina Roni Gail J. Duca,
Benjim B. Ocay, Christine Joy J. Zarraga at Elyssa Mae R. Legario na
kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor in Elementary Education sa Bataan
Peninsula State University- Bagac Campus. Nagsimula ang kanilang paglalaan ng oras
at kaalaman noong Nobyembre 2020 nang sila ay bigyan ng capacity-building
program alinsunod din sa DepEd memo na inilabas.
Walang
inuurungan, serbisyong totoo lamang. Naging makabuluhan ang pagpili sa kanila
dahil sa kanilang kasipagan at dedikasyong ginagawa bilang learning facilitator.
Ayon kay Duca hindi ito nakasasagabal sa kanilang pag-aaral bagkos ay
nakatutulong upang masanay sila sa gawain ng isang guro. “Tuwing may free time po kami, once a week
pinupuntahan po namin yung mga bata. Nagpapabasa, nagpapasulat (mostly
sa grade 1 po) at naga-assist po sa module nila, aniya.
Sa lahat ng
mga sakripisyo at pagtitiyaga, may mga pagkakataon rin na dumadating ang mga
balakid. Ilan sa mga naging suliraning kinaharap nila ay ang kakulangan ng
panahon na makapagturo dahil maraming aktibdad at proyektong kailangang tapusin
at oras na maaaring turuan ang mga batang naka-assign sa kanila. Dagdag pa nila
“Isang malaking struggle rin po samin yung mga technique kung paano mas matututo
magbasa yung mga bata, kasi hirap po talaga sila sa pagbasa kaya ginagawan po
namin ng paraan kung paano sila mas matututo.”
Pero sa kabila
ng mga balakid mananatili pa rin ang mga tagapagligtas na handang lumaban at
magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. Sabi pa ni Duca, “Despite po sa mga
problem and struggle na yan, okay lang po, masaya pa rin po kami na nagtuturo
kasi gusto namin makatulong talaga. Pumayag po ako kaagad not knowing kung ano
yung kakaharapin po. Nasa mindset ko na po kaagad na makakatulong sa mga bata
kaya push na agad... Since yung mga kasama ko po at kaibigan e educ student,
inaya ko po sila, kaya pumayag na rin sila kasi naniniwala po kami na
makakatulong din po samin eto along the way habang nag-aaral kami bilang educ
student.”
Oo, wala nga
si Darna, Captain Barbel, Superman at Wonderwoman. Subalit sa muli kong
pagtuntong sa tarangkahan ng paaralan, masaya akong makikinig sa awit ng mga
kuliglig. Wala mang mga batang nagtatakbuhang masusulyan nariyan naman ang
ngiti ng mga magulang na naghahatid ng mga modules at learning plans.
Iba man sa nakagawian, ito man ang tinatawag na “new normal” mayroon namang
bagong mukha ang mga bayani. Ang baging mukha ng liwanag at tagasagip ng naaapi
– ang mga learning Faci!
GPTA, RRGB –Riders Tandem sa Gulayan
Ni: Jessibel O. Jorda
Teacher III
Sa
kabila ng pandemyang nararanasan ng ating bansa, nagsanib pwersa ang Red Sun Rider Group ng Bataan (RRGB) at
General Parent-Teacher Association (GPTA) Officers upang magbigay ng suporta sa
Gulayan sa Paaralan Program (GPP) ng Cabog-Cabog Elementary School (CCES) noong
Enero 31, 2021.
Layunin
ng aktibidad na ito na tulungan ang paaralan na muling linisin, taniman at
pagandahin ang GPP sa pangunguna rin ni Head Teacher III Mrs. Melinda J. Nisay
kasama ang mga GPP coordinators na sina Mrs. Jessibel O. Jorda at Ms. Arlene M.
Chavez.
Gayundin
naging bahagi ng gawaing ito ang pagkakaloob sa CCES ng mga donasyong punla,
pintura, walis at iba pa mula sa stakeholders upang higit pang paunlarin ang
GPP.
“Hamon
man sa ating edukasyon ngayon ang pandemya, hindi nito mapipigilan ang mga
guro, magulang, alumni, Brgy. Officials at iba pang tumutulong sa CCES upang
mapaganda at mapabuti ang ating paaralan lalo na ang Gulayan,” saad ni GPTA
President Anabelle Lopez.
Ayon
naman kay RRGB President Richard Landicho ang pagtulong sa paaralan ay isang
magandang karanasan upang suklian ang mga kaalamang kanyang natutunan.
“Masarap
sa feeling ang pagpunta at pagbalik sa aking Alma Mater upang tumulong sa
pagpapaganda ng paaralan. It’s about time naman na suklian namin ang paaralang
aming pinagmulan at ang dahilan kung bakit kami ay may maayos na pamumuhay,” dagdag
pa ni Landicho.
Brigada Pagbasa: Its Importance in the Learning Continuity Plan
By: Glena I. Gimarangan
Teacher III
The COVID-19 Pandemic brings
hindrances to any advocacy. The new normal set up has made so much adjustments
to all teaching personnel all over the country. However, schools
strengthen Brigada Pagbasa in the
Learning Continuity Plan (LCP), so techniques, methods and strategies on how to
materialize the Reading Advocacy depend on what interventions may the school
engaged. The pandemic may be a burden,
but remaining at home allows a child to spend more time reading. Reading will
be interesting and enjoyable with adequate supervision from teachers and
parents, along with proper intervention. Brigada Pagbasa, in its particular
context, is a collaborative activity involving all stakeholders to assist a
child in becoming a reader.
Cabog- Cabog Elemetary School
teachers are very much aware of Reading as an integral part of educating the
child. It is prerequisite to the foundation of learning in school. Though,
thorough examinations and assessments must be employed to totally measure the
reading ability of the child, careful planning in managing and
establishing reading activity throughout the school year calendar
must be incorporated.
CCES is influence by the
researchers about Reading Ability of a child in school. As the study shows,
lack of engagement in reading will lead to further problems.
Below is an excerpt of one
of the passage in a research
introduction.
A poor reader is anyone who has
difficulty or is not reading as well as other children of the same age. It can
be detected in schools by regular testing. Many children can be ‘poor readers’
at an early age but could turn into good readers later on. In fact the vast
majority of readers will be reading just fine by the age of 14 regardless of
their reading performance up to that age {Carron, 2014}. However, if a
student’s reading is poor for any length of time between the ages of 8 and 14,
it would affect their self-confidence and education. The loss of confidence
leads to a lack of engagement with reading leading to further problems.
There are many causes of poor reading comprehension. Disinterest, struggling with decoding individual words, text is too difficult for a child's reading level, deficit in working memory, visual processing disorder, and limited vocabulary can cause poor reading comprehension. ( Silbert, 2014). When kids do not understand what they read, it affects their ability to succeed in school.It is important to get
a poor reader back on track as fast and as early as possible so that other
aspects of their education are not affected. When a child gets into
difficulties with their reading it is important to change something about the
way they are being taught.
The usual response to a reading
deficit is the use of an ‘intervention’ which is a short term programme to
bring readers back on track. Reading intervention provides students with an opportunity to increase reading, writing, test taking, and study skills at their instructional level.Visualization, or mental imagery, is one of
the best reading intervention strategies {k5 chalkbox, 2019}. It is an
excellent way of having students become more active in the reading process.
Creating "movies in their minds" can dramatically increase
comprehension. Reading short stories could improve not just their reading
skills but also their imagination. Repeated readings is a valuable opportunity
for the students to become good reader. Students who attend reading intervention are parts of community of learners who have an opportunity to increase their skills to become strong and confident readers and writers.
CCES will not allow every single child not to engage in reading even in a midst of pandemic. There are many ways to make a child read. Through collaboration among learning facilitators, household partners and the teachers, the realization of the goal to make a child become a reader will be earned.
CCES PANTRY , TAGUMPAY
(ni: Elena S. Banzon )
Master Teacher II
Tagumpay na naisagawa ang simpleng school Pantry ng mga guro sa Cabog-Cabog E.lementary School sa
pangunguna ng kanilang pangulong –guro na s Gng.Melinda J. Nisay noong ika 20,ng
Mayo kasabay ng ‘’submission and retrieval ng mga learning packets’’.
Kabilang
sa mga naipon sa isinagawang pantry ay ang apat na tray na itlog,mga
noodle,bicuits, facemasks,ganundin ang libreng snacks para sa mga magulang na patuloy
ang suporta sa paaralan mula pa nuong
buksan ang klase hanggang sa kasalukuyan.. Dahil sa kanila ay matagumpay na
naihahatid at naibabalik ang mga learning packets ng mga mag-aaral tuwing
Huwebes.
Kasama
din sa libreng nakuha ng mga magulang ay mga aklat para sa kanilang mga anak.
Ang
nasabing school pantry ay pinlano at pinagtulungan na maisakatuparan ng mga
guro bilang pasasalamat at pagpapahalaga sa tulong at kabayanihan ng mga parent
leaders ng paaralan bilang katuwang nila sa paghahatid ng mga modules sa mga
mag-aaral mula kindergarten hanggang ikaanim na baitang.
REALIZATION OF CONTINUOUS EDUCATION
By
Eduardo F. Molina
Teacher
III
Despite
the pandemic, our educational authorities, institutional managers and educators
did not allow education to cease. Remarkably, they found ways for the learners’
continuous education using different alternative learning modalities.
How
do we attain continuous education in our generation despite the pandemic? Here
are the ways:
Employing the alternative
delivery mode. Despite the current situation, the
schools are now offering education to learners using the alternative delivery
modalities. Without face-to-face learning, the teacher and learners would still
communicate and pursue the teaching-learning process through online teaching,
modular system, blended learning and the like.
Pursuing realization of the
teaching-learning process. This means that despite of
the pandemic around, the teacher and students are continuing education in the
most feasible means that they can. The teacher still acts as the facilitator
and the students as proactive learners.
Leading the learners in
independent learning. In times when face-to-face
learning is impossible, train the students to have an independent
learning. Through this educational
set-up, they do things at their own wherein their initiative to study is
sharpened. Thus, education among learners continues.
Seeking for cooperation of
the parents’ support. With the parents at the
side of the learners, education is continuous. The parents stay with their
children along the way as they study their lessons and meet competencies. With
this, there is continuous education.
Looking for LGU support.
The Local Government Units serve as the support systems of the schools, most
especially during this time of pandemic. They provide the schools with the
essential materials and resources needed in the education of the learners. With the LGU education continues.
Utilizing the learning
resources available. Through the learning
resources provided by the education agency and by the Local Government Units,
the education of learners is continuous.
With the help of these resources, the learners are able to receive
quality education that they deserve.
Expanding knowledge through
technology. The presence of technology is vital in the
education of learners. Technology
provides the link between the teachers and learners for the lessons that may be
transmitted electronically.
Realizing
continuous education is possible through the above-given tenets. Education must continue notwithstanding the
situation that we are facing today due to COVID 19.
2 Mag-aaral ng CCES, Pasok sa BCSNHS!
Ni: Karen M. Ortiz
Teacher III
Determinasyon at tiyaga ang naging sandata ng dalawang
mag-aaral ng Cabog-Cabog Elementary School upang mapabilang at makapag-aral sa
mga piling mag-aaral ng Balanga City Science National High School noong Abril
21, 2021.
Hindi matatawaran ang ipinakitang galing ng dalawang
mag-aaral sa CCES mula sa ika-6 na baitang nang sila ay makasama sa mga batang
pinalad na makapasa sa entrance exam ng BCSNHS.
Sa
humigit kumulang na 400 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Bataan, 110
na mag-aaral ang pumasa sa nasabing entrance exam. Pinalad si Sydney Rein Lopez
na makuha ang ika- 31.5 na spot at pang 62 naman si Keisha Nicole Pobre.
Marami
mang naging hadlang sa pagkuha nila ng pagsusulit tulad ng mabagal na internet
connection at power interruption, hindi ito naging sagabal upang pagbutihin at
makamit ang layunin na makapag-aral sa isang mahusay at kilalang paaralan ng
agham sa Balanga City.
“Sobrang
saya ko po noong lumabas ang resulta ng exam kasi po nawalan po kami ng
internet connection. Buti na lang po nandyan si Ma’am Ellen to rescue sa akin”,
saad ni Lopez.
Samantala,
ayon kay Pobre naging mahirap ang pagsusulit para sa kanya dahilan upang hindi asahan
ang pagkapasa.
“Hindi
ko po inaasahan ang pagkapasa ko sa entrance exam sapagkat sobrang hirap po ng
lahat ng subject,” maluhang wika ni Pobre.
Literacy and Numeracy:
Fundamental Basic Skills
By: Karen M. Ortiz
Teacher III
Cabog- Cabog
Elementary School is one of the community's avenues for teaching the significance of reading and
numeracy abilities at a young age. Consistent repetition of basic sight words
and 4Fs drills would be highly useful in improving a child's ability to read
and, as a result, make him or her a life achiever.
Literacy and
numeracy skills are essential for gaining access to any field since they are
applied in many parts of our daily life. Workplace numeracy, literacy skills
are utilized generally in collaboration. These needed abilities occur
simultaneously and are required for any activity. CCES is guided by the idea
that each child has a unique style of learning, and that consistent motivation
from teachers and parents also plays an important role.
Individuals must
be literate in order to acquire logical thinking and reasoning techniques in
their daily activities. Numeracy is required to solve issues and make sense of
numbers, time, patterns, and forms in activities such as cooking, reading
receipts, following directions, and even participating in sports.
To maximize our
potential and make a good contribution to society, we must all be numerate. In
today's highly advanced world, numeracy abilities, particularly the ability to
analyze data, are becoming increasingly important and highly valued by any
sector in any organization. A lack of mathematical confidence and weak numeracy
abilities are barriers to any task or work.
The capacity to
acquire, apply, comprehend, and communicate mathematical knowledge and concepts
is characterized as numeracy. To be numerate is to be able to utilize
mathematics confidently and successfully in everyday situations.
Literacy and
numeracy provide people the essential abilities they need to succeed in life.
Schools have plans and intervention to
enhance literacy and numeracy to help pupils live a fulfilling and happy life
while also being an active participant as an engaged and well-informed citizen.
CCES teachers
included literacy and numeracy exercises into their daily drills prior to
developing lessons. To get them used to it and make it a part of their daily
routines. Learning is instilled in this manner.
A Picture of a Great Teacher
By: Jean V. Destura
Teacher I
From
the first day of my school life till this very day, I have had a great regard
for teachers. It excites me much that I am now one of them. The teaching
staff at the school where I am assigned never ceases to amaze me, and my
teaching experiences have motivated me to continue teaching.
As I observed teachers from the start of
my teaching career in Manila and now at Cabog-
Cabog Elementary School, Balanga City, I
discovered that teaching is really the
noblest profession. Teachers from these schools were great teachers. They instilled something wonderful in me, allowing me to see the
importance of a good teacher.
In my eyes, they are indeed great
teachers who have influence me. Each one
of them is doing outstanding work in the
field of education.
Teaching is a challenging
work that requires a high level of understanding and patience. School
improvement efforts rely heavily on quality teachers. Teachers are tasked with
establishing a collective vision for school improvement and initiating change
to spur innovation, ensure learners’ learning, and increase achievement.
Teachers need to be able to
communicate what the school is all about. They consistently walk around to know
the learners and can better identify
areas where learners can improve. Great teachers establish a positive school
culture by treating learners the way they would like to be treated. How to
smile, say hello, and engage in conversations are important factors in setting
a positive learning environment.
Teachers create a positive
culture, establish high expectations, adhere to a practice of respect, provide
meaningful opportunities for growth, effectively evaluate learners’
performance, use resources to increase learners’ achievement, be an effective
communicator with all stakeholder groups, serve as a role model, model
life-long learning.
Effective teachers never
give up on kids .They are the epitome of instructional leadership and will show
learners how to become more effective in front of them every day.The most
effective teachers seamlessly use multiple instructional strategies during a
lesson.
Great
teachers are needed now more than ever.
As the reform movement takes hold across the country, more attention has been
focused on teachers. Therefore, paint a picture of great teachers
in the young minds .
As a
teacher , I am governed with these principles. We can be great teachers.
As I said a while ago, my teaching experiences
at CCES raises my eagerness to become an effective and efficient teacher all my
life. Becoming a 21st century teacher is my goal. I am grateful to my ever
supportive school head, Ma’am Melinda J. Nisay who serves as our mentor and to all
my co teachers who always give me the
chance to love teaching and to appreciate teaching a midst trials and errors in my teaching sessions.
Most importantly to the pupils who
tested my temper during my stay with them. They taught me one thing, the reason why there is a teacher in this
world is to BRING OUT THE BEST IN EVERY LEARNER, make him globally competitive
and bring pride to the nation.
It is our duty as teachers to make a difference in the lives of
children.